Linggo, Nobyembre 13, 2016

Mensahe ng Butil ng Kape (Repleksyon)

REPLEKSYON
Maraming bumabagabag sa ating isipan na nahihirapan tayong harapin ang bawat suliranin na dumadating sa ating buhay. Ang maikling kwento ito ay nagbibigay ng magandang kasagutan sa bawat tanong sa ating isipan. “Ako ba ay magiging isang carrots, itlog o butil ng kape?”  isang tanong na mahirap ang sagot. Ano nga ba ang sagot mo sa tanong na ito?
Sa ating buhay hindi natin maiiwasan na maging isang carrots na sa una lamang malakas ngunit tayo ay sumusuko at lumalambot sa bawat pagsubok na dumadating na kahit anong pilit nating tatagan an gating damdamin ay hindi kaya. Alam din naman natin na walang sino man ang hindi naging itlog sa kanilang buhay, naging mabuti ka sa mga tao at nanatiling malinis sa tingin nila ngunit ang bawat isa ay may hangganan na hindi natin maiiwasan. Kahit gano mo pa iniwasan na hindi magalit sa kanila ay hindi mo kaya, nagiging matigas ang iyong puso upang magpatawad sa mga taong nanakit sayo. Isang sakit na mahirap bitawan na kahit anong pilit mo ay bumabalik parin ito. Naging butil ka rin ng kape sa iyong buhay, isang butil ng kape na naging matatag sa bawat pagsubok sa kanyang buhay, gumagawa ng paraan upang hindi malinlang ng nararamdam.
Ang carrots, itlog at butil ng kape ang simbolo ng buhay ng isang tao, iba’t ibang uri ng tao dito sa mundo na sinubok ng panahon at minsa’y naging carrots, itlog at butil ng kape sa kanilang buhay. Hinarap ang bawat pagsubok sa iba't ibang paraan, paraan na alam nila sa mga panahong iyon. Kahit sa aking sarili ay naging carrots at itlog rin ako sa mga pagsubok na dumaan. Ang mahalaga ay naging butil ako ng kape, naging matatag at hindi tinatakbuhan ang mga problema. Ako mismo ang magbabago sa mga nakapaligid sa akin.
Ang dapat lang nating pakatatandaan na ang dating naging mahina ay kaya ring mulakas, ang dating may matigas na puso ay lumalambot sa tamang panahon at ang dating matatag ay sumusuko rin. Hindi masamang maging carrots o itlog ang masama ay hindi natin binabago ang ating sarili sa bawat problemang dumating sa ating buhay. Ang bawat pagsubok na ito ay hindi ibibigay ng panginoon kung hindi mo kayang lampasan. Maging matatag at huwag takbuhan ang problema, harapin ng buong tapang ito. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento