MENSAHE NG BUTIL NG
KAPE
Nagsimula
ito habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka nang marinig niya ang
pagririklamo ng kanya anak na lalaki patungkol sa hirap ng buhay sa bukid.
Sinabi ng anak na hindi makatarungan ang kanyang buhay sapagkat sa hirap na
kanyang nararanasan. Dahil dito ay tinawag ng ama ang anak at nagtungo sila sa
kusina. Sinalang ng ama ang tatlong palayok na may tubig sa apoy at hinintay na
kumulo ito.
Walang maririnig na
ingay sa pagitan ng mag-ama sa oras na iyon. Sa unang palayok ay inilagay ng
ama ang carrots, sa pangalawa naman ay ang mga itlog, at sa panghuli ay ang
butil ng kape. Tinanong ng ama ang anak nito “sa tingin mo ano ang mangyayari
sa corrots, itlog at butil ng kape?” ang sagot naman ng anak ay maluluto ang
mga ito. Makalipas ang ilang minuto ay inalis ng ama ang maga palayok sa apoy
at pinalapit ang anak dito. Napuna ng anak na ang carrots na dati ay matigas ay
lumambot, ang itlog naman ay tumigas dahil sa pagkakalaga nito at inutusan niya
ang anak na higupin ang kape.
Nagsimulang mapaliwanag ang ama tungkol sa
dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape na parihong inilahok sa
kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Ang carrots na dati ay
matigas na wari mong walang makakatinag ay lumambot, ang itlog na may maputi at
manipis na balat upang bigyan ng proteksyon ang luob nito ay naging malambot at
ang huli ang butil ng kape ay lumahok sa tubig na nagbigay ng bango at
panibagong sangkap na nagpapatingkad dito. Ang kumukulong tubig ay ang
suliranin ng buhay at tinanong ng ama ang anak kung magiging ano siya, magiging
carrots ba siya, isang itlog o butil ng kape.
Ang carrots ay nangangahulugan na matigas sa
una ay naging malambot sa mga pasubok na dumaan sa kanyang buhay na
nagsisimbulo ng kahinaan. Ang itlog ay nangangahulugan na may mga tao na mabuti
sa una ngunit nagbabago sa paglipas ng panahon, gaya na lang ang problema sa
pamilya na tumitigas ang kanilang damdamin upang ibigay ang kapatawaran. Ang
butil ng kape na siyang natunaw at nagbigay kulay sa tubig, nagbigay ng bango
dito. Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng
pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa
paligid mo. Tinanong ng ama ang anak kung ano siya at sinagot naman siya ng anak
na magiging butil siya ng kape gaya ng kanyang ama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento