Linggo, Nobyembre 13, 2016

Mensahe ng Butil ng Kape (Repleksyon)

REPLEKSYON
Maraming bumabagabag sa ating isipan na nahihirapan tayong harapin ang bawat suliranin na dumadating sa ating buhay. Ang maikling kwento ito ay nagbibigay ng magandang kasagutan sa bawat tanong sa ating isipan. “Ako ba ay magiging isang carrots, itlog o butil ng kape?”  isang tanong na mahirap ang sagot. Ano nga ba ang sagot mo sa tanong na ito?
Sa ating buhay hindi natin maiiwasan na maging isang carrots na sa una lamang malakas ngunit tayo ay sumusuko at lumalambot sa bawat pagsubok na dumadating na kahit anong pilit nating tatagan an gating damdamin ay hindi kaya. Alam din naman natin na walang sino man ang hindi naging itlog sa kanilang buhay, naging mabuti ka sa mga tao at nanatiling malinis sa tingin nila ngunit ang bawat isa ay may hangganan na hindi natin maiiwasan. Kahit gano mo pa iniwasan na hindi magalit sa kanila ay hindi mo kaya, nagiging matigas ang iyong puso upang magpatawad sa mga taong nanakit sayo. Isang sakit na mahirap bitawan na kahit anong pilit mo ay bumabalik parin ito. Naging butil ka rin ng kape sa iyong buhay, isang butil ng kape na naging matatag sa bawat pagsubok sa kanyang buhay, gumagawa ng paraan upang hindi malinlang ng nararamdam.
Ang carrots, itlog at butil ng kape ang simbolo ng buhay ng isang tao, iba’t ibang uri ng tao dito sa mundo na sinubok ng panahon at minsa’y naging carrots, itlog at butil ng kape sa kanilang buhay. Hinarap ang bawat pagsubok sa iba't ibang paraan, paraan na alam nila sa mga panahong iyon. Kahit sa aking sarili ay naging carrots at itlog rin ako sa mga pagsubok na dumaan. Ang mahalaga ay naging butil ako ng kape, naging matatag at hindi tinatakbuhan ang mga problema. Ako mismo ang magbabago sa mga nakapaligid sa akin.
Ang dapat lang nating pakatatandaan na ang dating naging mahina ay kaya ring mulakas, ang dating may matigas na puso ay lumalambot sa tamang panahon at ang dating matatag ay sumusuko rin. Hindi masamang maging carrots o itlog ang masama ay hindi natin binabago ang ating sarili sa bawat problemang dumating sa ating buhay. Ang bawat pagsubok na ito ay hindi ibibigay ng panginoon kung hindi mo kayang lampasan. Maging matatag at huwag takbuhan ang problema, harapin ng buong tapang ito. 


Mensahe ng Butil ng Kape (buod)

MENSAHE NG BUTIL NG KAPE

            Nagsimula ito habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka nang marinig niya ang pagririklamo ng kanya anak na lalaki patungkol sa hirap ng buhay sa bukid. Sinabi ng anak na hindi makatarungan ang kanyang buhay sapagkat sa hirap na kanyang nararanasan. Dahil dito ay tinawag ng ama ang anak at nagtungo sila sa kusina. Sinalang ng ama ang tatlong palayok na may tubig sa apoy at hinintay na kumulo ito.
Walang maririnig na ingay sa pagitan ng mag-ama sa oras na iyon. Sa unang palayok ay inilagay ng ama ang carrots, sa pangalawa naman ay ang mga itlog, at sa panghuli ay ang butil ng kape. Tinanong ng ama ang anak nito “sa tingin mo ano ang mangyayari sa corrots, itlog at butil ng kape?” ang sagot naman ng anak ay maluluto ang mga ito. Makalipas ang ilang minuto ay inalis ng ama ang maga palayok sa apoy at pinalapit ang anak dito. Napuna ng anak na ang carrots na dati ay matigas ay lumambot, ang itlog naman ay tumigas dahil sa pagkakalaga nito at inutusan niya ang anak na higupin ang kape.
Nagsimulang mapaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape na parihong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Ang carrots na dati ay matigas na wari mong walang makakatinag ay lumambot, ang itlog na may maputi at manipis na balat upang bigyan ng proteksyon ang luob nito ay naging malambot at ang huli ang butil ng kape ay lumahok sa tubig na nagbigay ng bango at panibagong sangkap na nagpapatingkad dito. Ang kumukulong tubig ay ang suliranin ng buhay at tinanong ng ama ang anak kung magiging ano siya, magiging carrots ba siya, isang itlog o butil ng kape.

Ang carrots ay nangangahulugan na matigas sa una ay naging malambot sa mga pasubok na dumaan sa kanyang buhay na nagsisimbulo ng kahinaan. Ang itlog ay nangangahulugan na may mga tao na mabuti sa una ngunit nagbabago sa paglipas ng panahon, gaya na lang ang problema sa pamilya na tumitigas ang kanilang damdamin upang ibigay ang kapatawaran. Ang butil ng kape na siyang natunaw at nagbigay kulay sa tubig, nagbigay ng bango dito. Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo. Tinanong ng ama ang anak kung ano siya at sinagot naman siya ng anak na magiging butil siya ng kape gaya ng kanyang ama.