REPLEKSYON
Maraming bumabagabag
sa ating isipan na nahihirapan tayong harapin ang bawat suliranin na dumadating
sa ating buhay. Ang maikling kwento ito ay nagbibigay ng magandang kasagutan sa
bawat tanong sa ating isipan. “Ako ba ay magiging isang carrots, itlog o butil
ng kape?” isang tanong na mahirap ang
sagot. Ano nga ba ang sagot mo sa tanong na ito?
Sa ating buhay hindi
natin maiiwasan na maging isang carrots na sa una lamang malakas ngunit tayo ay
sumusuko at lumalambot sa bawat pagsubok na dumadating na kahit anong pilit
nating tatagan an gating damdamin ay hindi kaya. Alam din naman natin na walang
sino man ang hindi naging itlog sa kanilang buhay, naging mabuti ka sa mga tao
at nanatiling malinis sa tingin nila ngunit ang bawat isa ay may hangganan na
hindi natin maiiwasan. Kahit gano mo pa iniwasan na hindi magalit sa kanila ay
hindi mo kaya, nagiging matigas ang iyong puso upang magpatawad sa mga taong
nanakit sayo. Isang sakit na mahirap bitawan na kahit anong pilit mo ay
bumabalik parin ito. Naging butil ka rin ng kape sa iyong buhay, isang butil ng
kape na naging matatag sa bawat pagsubok sa kanyang buhay, gumagawa ng paraan
upang hindi malinlang ng nararamdam.
Ang carrots, itlog at
butil ng kape ang simbolo ng buhay ng isang tao, iba’t ibang uri ng tao dito sa mundo na sinubok ng panahon at minsa’y naging carrots, itlog at butil ng kape
sa kanilang buhay. Hinarap ang bawat pagsubok sa iba't ibang paraan, paraan na alam nila sa mga panahong iyon. Kahit sa aking sarili ay naging carrots at itlog rin ako sa mga pagsubok na dumaan. Ang mahalaga ay naging butil ako ng kape, naging matatag at hindi tinatakbuhan ang mga problema. Ako mismo ang magbabago sa mga nakapaligid sa akin.
Ang dapat lang nating pakatatandaan na ang dating naging
mahina ay kaya ring mulakas, ang dating may matigas na puso ay lumalambot sa
tamang panahon at ang dating matatag ay sumusuko rin. Hindi masamang maging
carrots o itlog ang masama ay hindi natin binabago ang ating sarili sa bawat
problemang dumating sa ating buhay. Ang bawat pagsubok na ito ay hindi ibibigay
ng panginoon kung hindi mo kayang lampasan. Maging matatag at huwag takbuhan ang problema, harapin ng buong tapang ito.